Follow on Google News News By Tag Industry News News By Location Country(s) Industry News
Follow on Google News | Mga kuwento ng pag-asa at inspirasyon, hatid ng TFC kasama ng myREMIT sa “Pamilya Ko, Buhay Ko”Mga kuwento ng galing ng mga Pilipino sa ibang bansa at kanilang pagtulong sa kapwa, pararangalan ng TFC sa pakikipagtulungan ng myREMIT
Sa tulong ng myREMIT, ang remittance arm ng TFC sa ilalim ng E-Moneyplus Inc. sa Pilipinas, inaanyayahan ng premyadong network ang lahat ng Pilipino sa iba’t ibang sulok ng mundo kung saan may TFC na sumali. Ito na ang pagkakataong maibahagi nila ang kani-kanilang kuwento mula nang umalis ng Pilipinas at makipagsapalaran sa ibang bansa. Mahalagang ipahiwatig na ang tagumpay nila, maliit man o malaki, ay naibabahagi din sa pamilya, kaibigan o sa mga taong mas nangangailangan. Maari nilang ipadala ang kanilang mga kuwento sa https://www.facebook.com/ Ayon kay myREMIT Business Unit Head Raymund Abog, “Ang TFC at myREMIT ay naniniwala na saan man sa mundo, makikita kung paano pinapakita ng mga Pilipino ang kanilang galing sa pagharap sa pagsubok ng buhay at gamitin ito upang makatulong sa kapwa, kaya naman isinagawa namin ang “Pamilya Ko, Buhay Ko.” Bukod dito, magiging inspirasyon sila sa ibang overseas Filipinos (OFs) para isabuhay ang kanilang sariling kuwento. Inaasahan namin ang pagdagsa ng mga kuwentong aantig sa aming puso at sa kapwa nating Pilipino mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.” Mula sa mga story entries, beinte na Pilipino mula sa iba’t-ibang bansa at ang kanilang mga kuwento ang mapipili". Ang winners ay mafea-feature sa isang TFC program at mananalo ng Php 20,000 worth of remittance para sa kanilang napiling beneficiaries sa Pilipinas, handog ng myREMIT. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Pamilya Ko, Buhay Ko, mga kuwento ng pag-asa at inspirasyon, hatid ng myREMIT,” bumisita lamang sa https://www.facebook.com/ End
Page Updated Last on: Oct 24, 2013
|
|